sa lunes na po pala iyan. puspusan ang aming paghahanda, hindi po ba?
nywei. nakakawalang gana lang isipin na noong sinabi namin na parang imposible ang high school day ay nagfreak out halos lahat ng estudyante. ngayong ibinalik na namin, parang wala ng interesado. kakainis lang talaga kasi hindi sila nakikipagtulungan sa mga officers. kung todo effort kami, sila naman tong parang mapanghusga na akala mo kung sinong magsalita. na wala pa ring binatbat kasi dapat ganito at hindi ganyan. asus! sila kaya ang magtrabaho sa organisasyong tulad ng SBO kung makakaya nila? at kung may mga lapses at mga mali, hala sige! hindi na magkamayaw sa mga paratang na walang kwenta. na wala na kaming ginawang tama. kagaya ng narinig ko sa kantina noong nakaraang araw:
bakit puro na lang mga banda ang kumpetisyon? hindi ba pwedeng sayawan naman?
2. kawawang rey!
natatawa ako pero parang katakot takot ang kuwento. mayroon pong isang fixated at obsessed na babae na itatago ho natin sa ngalang "ana" ang nagpakilalang mayroon raw silang relasyon na rey! haha. pero ang higit na kagulat-gulat ay lumapit ho ang kanyang guardian na mula pa at sa kanilang lugar upang hanapin si rey. at ayun nga, ayon daw sa nakausap naming informant ay sinabi raw nitong "ana" na palagi raw silang nag-uusap at nagkikita ni rey. at hindi lang yan, na nakaplano na raw ang kanilang mga pangarap or whatever. ayon sa informant ay nasiraan raw ng bait ang babae sa kanyang pag-iilusyon kay rey. katakot takot! hanggang sa ngayon ay hindi pa rin matukoy ang tunay na dahilang ng nasabing pag-iilusyon.
haay. kagaya ng 18 ko noong enero at pebrero. wala na namang nangyari. kasalanan ko ba? o sadyang mailap lang talaga ang tadhana sa akin. hindi ko po talaga alam at wala akong idea. pero kung nangyayari man ang mga bagay-bagay na ito, naniniwala ho akong may mga dahilan. so ngayon, iginugol ko ang aking araw kasama si faith. si faith na wala ring partner sa araw na ito. pareho kasing may exams ang mga mahal namin sa buhay kaya kami na lang ang nagdadate. so mula kaninang umaga ay magkasama kami. since napag-uusapan na lang din si faith, sinabi ng guro namin na dalawa ang bibigyang parangal sa taong ito bilang SBO of the year, ako ang inatasan niyang bumili ng medalyon at saka sinabing sa amin raw iyon no norman, pero hindi ko po ito tinanggap, ipinasalin ko po ang ang medalya sa pangalan ni faith, nawa'y mabigyan ito ng katuparan.Labels: 18
aireen: "ed, malakat ka sa skul? ang iban nga papers ara sa imu, di kami makacheck. punta ka na asap."
jb: "salamat ed kay wala ka, kay kung ara ka, manosebleed naman ko sa pamangkot mo."
joann: "late na ko?"
josaiah: "ed, ara ang papers ko sa imu? hindi ko ka defend buh. txtbak asap."




"magiging masaya ka ba kung ang pagkaing ibinigay mo sa kanya
ay ipamimigay niya lang din naman pala sa iba?"

Labels: RANDOM
Labels: ACTIVITIES