<body><script type="text/javascript"> function setAttributeOnload(object, attribute, val) { if(window.addEventListener) { window.addEventListener("load", function(){ object[attribute] = val; }, false); } else { window.attachEvent('onload', function(){ object[attribute] = val; }); } } </script> <iframe src="http://www.blogger.com/navbar.g?targetBlogID=3653672035973646760&amp;blogName=numberphillic&amp;publishMode=PUBLISH_MODE_BLOGSPOT&amp;navbarType=TAN&amp;layoutType=CLASSIC&amp;searchRoot=http%3A%2F%2Fherpartzisabsurd.blogspot.com%2Fsearch&amp;blogLocale=en&amp;homepageUrl=http%3A%2F%2Fherpartzisabsurd.blogspot.com%2F" marginwidth="0" marginheight="0" scrolling="no" frameborder="0" height="30px" width="100%" id="navbar-iframe" allowtransparency="true" title="Blogger Navigation and Search"></iframe> <div></div>
Friday, June 12, 2009

1:21 am na pero ang inyong lingkod ay hindi pa rin natutulog.

mukhang pinapagod ang sarili sa kakababad sa magdamagang internet na parang hindi siya nakapaglog-in sa talambuhay niya. pero hayaan na natin si lolo dahil masyado siyang problemado; problemado nga ba siya? o gumamagawa lang siya ng sarili niyang problema? sinong nakakaalam kung ano ang takbo ng kanyang pag-iisip? pero isa lang siguro ang dahilan kung bakit halos ganito siya buong linggo at kung ano man yun, 'believe it or not, just drop it. prying kills a cat, and i hope you're not'. seh. napaenglish ang gago.^^

sa kasalukuyan, maihahambing ko ang aking sarili sa hayden-katrina scandal, o sa a(h1n1), or sa con-ass [or cha-cha wateyber thing na yan]. bakit? pareho kaming may mga isyu. siyempre iba-iba. sa akin, pansarili lamang at hindi yung tipo na ikayayamot ng sambayanan dahil sa pagkalat nito na parang sirang plaka. haha. at ang kaibahan? aside sa parehong nagmula sa mga baboy ang tatlo. haha. [enough. baka masampahan na ako ng kaso sa pinagsusulat ko. feeling:)]. anyway, liban doon. di hamak naman na mas madali itong lutasin. well, ihalintulad natin sa isang algebraic problem, specifically yung kinkailangan ng quadratic formula. unang tingin parang ang hirap, pero madali lang siya yun nga lang masyadong marami ka pang dapat na isolve, dapat unahin para magtapos ka sa tamang sagot [aba, mathematician-wannabe ata.]. at oo, matagal. that's the difference between "hard" and "rigorous" or "exhausting" [at nagyon, parang expert sa linguistics.].

ano nga ba ang problema? ok, magbibigay ako ng sitwasyon. iinom ka ng "wine", ano ang uunahin mo - ang alak o ang yelo? hindi mo pwedeng pagsabayin kasi, dadalawa lang ang kamay mo eh. so kailangan mong pumili, pwede mong unahin ang yelo, tapos isunod ang alak. pwede rin na baliktad. pero ang punto, dapat mayroon kang unahin. sa kaso ko, pwede kong unahin ang alak kaso mukhang useless na siya kasi, unti-unti nang matutunaw ang yelo sa ice bucket o sa kamay ko. kaya ito ang inuuna ko sa ngayon. kasi ang alak, nasa bote naman yan kung talagang paro sayo, diba? di naman yan mawawala. unless, nakawin ng iba or worst, inumin ng iba. pero, siguro nga, hindi kasing dali ng kuwento ng alak at yelo ang kuwento ko. ito ay binubuo ng mga taong mahal ko, ng mga pangarap ko, ng sarili ko.

at sa totoo lang, nasasaktan ako. kasi walang gustong umintindi ng desisyon ko. na kasalanan ko kasi pwede naman ding ipagsabay. well, ikaw siguro makakaya mo, pero ako ay hindi ikaw at ikaw ay kailanma'y hindi magiging ako. nakakapagdagdag lang sa pasanin ko ang mga impresyon na sa katunayan ay hindi ko naman dapat pinapansin pero heto pa rin kasi ako, tao - napapagalaw rin ng emosyon. balang araw, makikita rin nila siguro ang punto ko. but i'm not closing doors to the fact that i might be the one who chose the wrong path. anyways, sinasabi ng ilan na "hindi ko raw siya mahal", bakit, ano bang alam nila sa pagmamahal at isusumbat nila sa akin ang mga katagang iyan? nararamdaman ba nila ang nararamdaman ko sa tuwing kasama ko siya at kapag wala siya? naririnig ba nila ang bawat tibok ng puso kong kumakalabog pagnakikita ko siya? nakikita ba nila ang saya kapag kausap ko siya? kung oo, alam mo bang naging buhay ko na rin siya? kung hindi naman, shut up ka na lang. pls. at ang epal mo para sabihin na sana hindi ko na lang sana inumpisahan para walang masaktan. bakit sino ka ba, ha? sino ka para diktahan ako, kung ano ang iisipin ko? kung ano ang itatakbo ng kuwento ko? kung ano ang dapat kung maramdaman? "palagi ka kasing nakatitig sa mga bagay na gusto mong tingnan, bakit di mo kaya subukang pakinggan ang mga katagang hindi mo pa napapakinggan at mas lalong hindi mo pa nakita? baka sakaling malaman mo kung ano ang dapat mong maramdaman."

at ikaw naman, hindi na ako magsasayang ng load ko para ipaliwanag sa iyo ang lahat. hindi na rin kita kukulitin sa ym at sa friendster. hindi na rin ako magtetext sa cellphone mo, hindi na ako magpaparamdam. pagod na rin siguro ang gagong 'to sa kakahabol sa iyo para makipag-usap. kung ayaw mo, eh di wag. tapos ang kuwento. pero tandaan mo lang sana, na hindi ako nagbago ng pakiramdam, may kinakailangan lang akong unahin. at marahil nga tama ako sa naging desisyon ko, kasi ngayon pa lang, nakikita ko na walang tao na makakapagtimpi sa kung paano ko pinapapagalaw ang mundo ko. at wag mong sabihin na hindi kita minahal dahil sa totoo lang, *wag na lang siguro. wala din naman akong maipagyayabang bilang katibayan baka mapahiya pa ako.

pero hindi naman ako ikaw. marahil nga ay nasaktan kita, at mas marami akong intindihin sa iyo.

haay. nawalan na ako ng naiisip.
masyadong gabi na. aiie. toinkx.
umaga na pala. haha.
manonood ata kami maya-maya sa OWL ng sunrise.
OWL is Ocean Wet Laboratory. [tama ba?]
may dagat kasi doon.
nywei. gutom na ako ngayon.
pringles and fit n right for breakfast.
nagkakahawaan na rin dito ng flu at fever.
next victim ata ako. haha.
paano ba yan?
mukhang inaantok na ako uh.
goodnight na lang :]

i love you..
1:20 AM

5 comment/s

<